Davao City — Nagpa-schedule ng drug test si Vice Mayor Paolo Duterte para sa lahat ng councilors na kanya mismong pangungunahan sa linggong ito.
Hindi matiyak ni Duterte kung makapagpapa-drug test din si Inday Sara Duterte dahil sa kalagayan nito.
Layunin ng bise alkalde na maipakita ang suporta nito sa kampanya ng ama na si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.
Sa pagsusuri, nais din ani Paolo na mapatunayan na haka-haka lang ang diumano’y siya’y naging drug addict, drug lord at drug protector.
Ayon pa sa batang Duterte, 1992 pa naririnig na niya ang iba’t ibang paratang laban sa kanya hinggil sa iligal na droga.