May engagement ring?

Ito ang bumulabog sa madla nang makita nila ang in-upload na litrato ni voleyball star Jovelyn Gonzaga sa kanyang Instagram account.

Kita sa nasabing litrato na tila ngiting panalo ang Pacific Town Army opposite hitter sa Premier Volleyball League na nasa Mt. Pulag sa Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, pinapakita ang suot na singsing kalakip a ang caption na: “Committed to me this 2020..” (@bionic_ilongga)
Marami naman sa mga vball fans ang nahulaming at nabigla sa pasabog ni 28-anyos na dalaga.

@diiitaruc: “The ring, it is. Goodmorning.”

“OMG! Are you engaged?!” dugtong ni @vinaaszxc.

@blackphytoon: “Mukhang engagement ring yung suot ah..”

Pinanapos ni @jefferson_tdc: “Wow engagement ring na ba yan jovs? Ngiting panalo..????” (Aivan Denzel Episcope)