Volleybelles martsa sa war zone

KUALA LUMPUR — Sasabak na sa ­giyera ang Philippine women’s volleyball team nga­yong araw, ang hosts pa ang unang asignatura sa 29th SEA Games sa MITEC Hall 8.

Alas-dos ng hapon papagitna ang Nationals kontra Malaysians, isusunod ang heavyweight Vietnam at alinman sa Indonesia o Thailand sa sudden-death semifinals.

Pangungunahan ni skipper Mika Reyes ang PHL squad kasama sina Jaja Santiago, Aby Marano, Jovelyn Gonzaga, playmaker Kim Fajardo at star Alyssa Valdez.

Eighth lang sa 19th AVC Asian Senior Women’s Championship sa Binan nitong buwan ang Filipinas, pero kuntento si coach Francis Vicente sa performance ng kanyang players. Nag-training pa ang Nationals sa tatlong Japanese Cities.

“I like the progress of the team,” ani Vicente. “The team had already developed. It is now fighting hard and pushing its opponents to the limit.”