Dapat na muling pag-aralan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang voters’ education para sa nakatakdang halalang pambarangay upang maiangkop ito sa mga pananaw ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Sinabi ni dating PPCRV chairperson Henrietta De Villa, napapanahon lamang ang isinagawang pagpupulong ng mga regional coordinators ng PPCRV upang talakayin at muling isaayos ang voters’ education sa mga kabataan.
Sa tala ng National Youth Commission, 40 porsyento mula sa mahigit 57 milyong rehistradong botante sa kasalukuyan ay mga kabataan edad 18 hanggang 30 taong gulang.