Voters registration ng kabataan mababa

comelec-building-at-logo

Dahil sa mababang resulta ng voters registration ng mga kabataan, hinikayat ng Commission on Elections (ComeĀ­lec) sa mga senior high school (SHS) students na magparehistro na at dumalo sa serye ng voter education lecture na kanilang isinasagawa.

Nabatid sa Comelec na hanggang Abril 29 na lamang ang itinakdang araw para magparehistro upang makatiyak na makakaboto sila sa Oktubre 23, 2017 Barangay at Sangguiang Kabataan elections.

Ayon sa Comelec sa kabuuang 816,591 aplikasyon na natanggap nila noong Nobyembre at Disyembre sa buong bansa, ay umaabot pa lamang sa 193,229 ang SK registrants.

Hindi pa naman umano kasali rito ang mga nagparehistro sa Cotabato City at Isabela City.

Hinimok din naman ng Comelec ang mga SHS students na dumalo sa kanilang inilunsad na voter education lecture series noong nakaraang buwan.