Magsisimula na ulit ang rehistrasyon ng mga botante para sa pagdaraos ng eleksyon sa 2022.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) idaraos ito simula sa Agosto 1, 2019 hanggang September 30, 2019.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, maaari ring magparehistro ang mga bagong botante ng Sabado at holiday.
Sinabi ni Jimenez na tinatayang aabot sa dalawang milyon ang inaasahang mga bagong botante na magpaparehistro.
Nilinaw ni Jimenez na hindi naman kailangan pang magparehistro ang mga botante na magiging 18-anyos para sa Sangguniang Kabataan.
Aniya, automatic na itong malilipat mula SK list sa regular na listahan ng mga botante.
Apela ni Jimenez, maagang magparehistro upang maiwasan ang mga aberya lalo pa’t dalawang buwan itatagal ang rehistrasyon. (Mia Billones)