Kung mayroong dapat sisihin si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung bakit tumatagal ang election protest na ihinain nito laban kay Vice President Leni Robredo ay ang kanyang sarili dahil depektibo ang kanyang ihinaing kaso.
Ito ang sagot ng lead legal counsel ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, matapos akusahan ni Marcos ang Bise Presidente na nangde-delay sa kanyang ihinaing election protest.
“Now it can be told again. The alleged delay in the resolution of Marcos’ protest could not be attributed to Robredo; it is because of the defective protest filed by Marcos and the erroneous and unrelated cases he has been citing to support his actions,” ani Macalintal.
Hindi sinabi ni Macalintal kung ano ang depekto ng election protest ni Marcos subalit malimit na napag-uusapan ang kagustuhan ni Marcos na ipabilang ang 662 municipal precincts gayung 54 lang ang una nitong iprinotesta.
“Had his protest not been so defective, there would have been no reason for all these preliminaries issues to be resolved by the PET (Presidential Electoral Tribunal),” ani Macalintal.
Napilitan din ang abogado na sumagot sa press release ni Marcos na nagpapabasura sa counter-protest na isinampa ni Robredo laban sa kanya dahil hindi nakapagbayad ang Bise Presidente ng P8 million sa P15 million na inutos ng PET sa itinakdang panahon.
“Like a vagrant, Marcos’ claim has no visible means of factual or legal support,” ani Macalintal matapos ihalimbawa ni Marcos ang Garcia vs HRET (House Electoral Tribunal) at Lloren vs Comelec sa kanyang ihinaing petisyon sa PET para ibasura ang counter-protest ni Robredo.
“Malinaw na hindi akma sa election protest case ang mga kasong binanggit ni Marcos,” ayon pa kay Macalintal bukod sa walang nalabag umano si Robredo na kautusan ng PET dahil naghain ang mga ito ng motion for reconsideration (MR) noong Abri 12, o dalawang araw bago inutos sa mga ito na magbayad ng deposito.
Oo, sisihin mo sarili mo, dahil masyado kang ambisyoso…ang kapalaran ng iyong ama na maging Pangulo ng bansa, ay hindi mo kapalaran, dahil wala ka pa naman napapatunayan….ang lahat ng ibinibida mo sa taong bayan, ay ang mga nagawa ng iyong ama…Hwag kang sumakay sa ala-ala at tagumpay ng isang patay….Gamit mo na nga ang salaping ninakaw ng patay pati mga accomplishment ginagamit mo pa rin….hahahaha..
MARAMI NGANG NAPAGAWA, KAYA MARAMING NINAKAW, EH DI SANA KUNG HINDI SIYA NAGNAKAW MAS MARAMI ANG NAPAGAWA NIYA PARA SA KABUTIHAN NG BAYAN, KASO PARA SA KABUTIHAN NG BULSA ANG MAS MALAKING GINAWA NIYA.
uo nga BBM, sisihin mo sarili mo bakit ka nagpadaya sa LP….???
Ingat ingat Lang Mr Macalintal dahil sa isang ulat ni Beting Dolor na nabasa ko sa Philippines News, mayroon ng inalukan ng 1 bilyon ang isang babaeng kapatid ni Bobong na isang SC judge para paboran ang kaso ni Bobong. Sa ulat ni Dolor, 500 milyon ang para dun sa SC judge na ka meeting ng kapatid ni Bobong at ang 500 milyon naman ay para sa ibang judge na papayag masuhulan. Maigi sigurong kausapin ninyo si Dolor para malaman ang lahat ng isinulat niya.
hahaha chismoso
100 percent possible mkta mo nman nailibing si marcos s LNMB. Thanx s reserch mo bro.
Tsismis pa more…..kalalaking tao mo tsismoso…..hahahaha
Stating the fact hopefully. Nothing is impossible for the Marcoses especially when they see one foot at the door already. I hope the Chief justice will look into this. This will be the biggest miscarriage of justice.