VP Leni happy sa SONA

Kuntento at masaya si Vice President Leni Robredo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil idinetalye umano nito ang patutunguhan ng gobyerno.

“Masayang-masaya tayo kasi in-outline ni Pa­ngulo ‘yung direksyon na patutunguhan ng ating gobyerno.­ ‘Yung kanyang mga minention, specific na mahahalaga para sa kanya lalong-lalo na sa’kin ‘yung sa HUDCC, sinabi niya ‘yung kanyang direksyon,” ani Robredo.

Sa kanyang talumpati na umabot ng isa’t kalaha­ting oras, idiniin ni Duterte na hindi n’ya papayagan na i-demolish ang mga bahay ng mga Informal Settlers Family kung walang maaayos na paglilipatan sa mga ito at hindi maa­yos ang mga utilities.

Maging ng kampanya ni Duterte laban sa ilegal na droga ay ikinatuwa ni Robredo dahil tiniyak ng Pangulo na hindi niya tatantanan ang problemang ito upang mailayo ang taumbayan sa bawal na gamot at masiguro ang peace and order sa bansa.

“Ako masaya tayo doon. Masaya tayo na all out ‘yung kampanya patungkol doon. Sabi niya magiging relentless saka sustained ‘yung kampanya, ‘yun ‘yung dapat,” a­yon pa sa Bise Presidente.