Para kay Vice Pre­sident Leni Robredo, hindi kailanman na­ging banta sa kanyang posisyon bilang Pangalawang Pangulo ang inihaing pro­testa ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Giit ni Robredo, walang dahilan upang maging banta o matakot siya sa inihaing election protest ng dating senador dahil kumpiyansa at naniniwala umano siyang walang naganap na dayaan sa nagdaang halalan at naging malinis ang pagkaluklok niya sa posisyon.

Sinabi pa ng Pa­ngalawang Pangulo na malinaw namang wala maipakitang ebidensiya si Marcos na may dayaan dahil tunay namang walang nangyaring dayaan.

“I know for a fact that he does not have evidence to prove election cheating, because there was none,” ayon kay Robredo.

Kumpiyansa si VP Leni na sa huli, ang katotohanan pa rin ang mananaig dahil kailanman ay walang nagtatagumpay at nananaig na kasamaan.

“Para sa akin, at the end of the day, evil will never triumph. I am not really concerned in the sense na darating din ‘yung panahon na ‘yung katotohanan ‘yung lala­bas,” dagdag pa ni Robredo.