Para kay Vice President Leni Robredo, isang kapalaran ang maging pangulo ng bansa.
Tugon ito ni Robredo sa mga tanong kung may plano siyang tumakbo sa 2022 presidential elections.
Sabi ni Robredo, isang bagay na hindi pinagpaplanuhan ang maging isang pangulo ng bansa bagkus ito’y kusang dumarating o kumakatok na lamang sa pintuan ng isang tao.
“I think the Presidency is destiny. If you look back in our history, there have been so many people who, you know, who wanted to be president. Who devoted so much of their time, effort, and resources to, you know, to getting that post. Pero wala, eh. Parang… I think it’s destiny. And I think it’s something you cannot plan,” ayon kay Robredo.
Kaya’t hindi umano niya iniisip o inaambisyon ang naturang posisyon dahil higit na mahalaga sa kanya ang makapagserbisyo at ayaw niyang masisira o maapektuhan ito.