Nakaiskor si Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) kahapon kasabay ng ika-5 taong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang mister na si dating Secretary Jesse Robredo.
Ayon kay Atty. Romulo Macalinta, abogado ni Robredo, kinatigan ng Supreme Court (SC) na tumatayong PET ang kanilang mosyon na ipagpaliban ang pagbabayad sa P7.439 milyon na balanse sa mahigit P15 milyon na ipinadedeposito para sa kanyang counter-election protest laban sa tinalo nitong si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Natanggap umano ng mga ito ang nasabing resolusyon noong Agosto 18, habang ginugunita ng bise presidente, mga anak, pamilya at supporters ang ika-5 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Secretary Jesse, sa Naga City sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad.
“The grant of our motion to defer payment of balance of cash deposit only affirmed what we had been saying all along that, contrary to former Senator Ferdinand Marcos Jr.’s claim, the validity of his protest has not yet been resolved by the PET,” ani Macalintal.