VP Leni nakiramay sa pamilya Pawa

leni-robredo

Nakiramay si Vice President Leni Robredo sa pamil­ya ni Jakatia Pawa na binitay sa Kuwait kahapon matapos akusahan na pumatay sa kanyang alaga at anak ng kanyang employer sa nasabing bansa noong 2007.

“We offer our most sincere condolences to the fa­mily of Jakatia Pawa. We hope to connect with their family and help them through this trying time,” mensahe ni Robredo kahapon.

Base sa mga report, eksaktong 3:19 ng hapon sa Pilipinas ng bitayin si Pawa kasama ang anim na iba pang death convict sa nasabing bansa sa pamamagitan ng pagbigti.

“We enjoin everyone to continue working for the welfare of our overseas Filipinos, who sacrifice e­very day for their family and our country,” ayon pa kay Robredo.