Nangangarap si Vice President Leni Robredo na darating ang araw na ang pagtatrabaho ng mga Filipino sa ibang bansa ay sariling desisyon na lang at hindi dahil kailangang mabuhay ng mga ito ang kanilang pamilya sa Pilipinas.
Sa kanyang pagsasalita sa Get Together and Meet sa mga University of the Philippines Association na nakabase sa San Francisco at iba pang Filipino-American Communities na ginanap sa Kalayaan Hall ng Philippine Center sa San Francisco, USA, nagbigay-pugay si Robredo sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil sa kontribusyon ng mga ito sa ekonomiya ng bansa.
Patunay dito, aniya, ang US$10.86 billion na remittances ng mga Filipino workers sa iba’t ibang panig ng mundo sa nakaraang 5 buwan ng taong kasalukuyan o katumbas ng mahigit US$2 billion kada buwan.
Aniya pa, kaya lang nagtatrabaho ang karamihan sa mga Filipino sa ibang bansa ay dahil kailangan nila ito para mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang pamilya.
Ito ang nais umanong mabago ni Robredo na magagawa lamang, aniya, kapag nagtulung-tulong ang lahat.
“Let’s bring every single Filipino to the center back home — if they choose to do so. Working and living overseas will then be a choice, more than a need,” dagdag pa ng mambabatas.
Pagtuunan mo ng pansin yung sarili mo at yung buhay mo … wag na ang OFW dahil alam nila ang ginagawa nila.. ang daming problema sa bansa nagagawa mo pang maggala ng maggala.. wala ka talagang kwenta.. mamundok ka na lang.
nangangalakal ka sa ibang bansa dahil wala kang nakukuhang suporta sa mga pilipino sa pinas. akala ko wala kang pera para sa pambayad mo ng iyong abogado dun sa isinampang reklamo ni BB sa electoral court. tapos ngayon nasa amerika ka. pag.tuunan mo nalang ng pansin ang ibinigay na trabaho sayo ng ating pangulo.
dito ka sa saudi arabia pumunta at mangako , daming stranded dito hindi lang mga lalake pati na rin kapwa mo babae, tulungan mo silang maka uwi, hwag dyan sa amerika !!!
Teka teka teka teka bakit nandiyan ka Leni sa America e hindi ba sampung
araw lang ang binigay sa iyo ng PET para sagutin ang electoral protest ni
BBM. Pano ba ang nangyari hindi mo ba sasagutin yun? Santa banana, patayyyyy kang Leni ka.
NANGANGARAP LANG PALA EH… INGAT BAKA BANGONGOT NA YAN…
TAMA FEELING BAIT BAITAN
Mam iba na lang po ang pagtuunan nyo ng pansin, wag nyo napo bilugin ang ulo namin. Kayo pong mga dilaw eh walang pakialam sa mga ofw, sabi nga diba ni Mar na pinagbisihan nyo eh di nya kailangan ang boto ng mga ofw. At ni minsan sa Sona ng dating pangulo hindi nabanggit ang mga ofw. Kaya iba na lang, wag kami.