VP Leni pa-Japan ngayon

Leni Robredo

Lilipad patungong Tokyo, Japan ngayong araw si Vice President Leni Robredo para magsalita sa Global­ Summit of Women sa nasabing bansa.

Dalawang araw na mananatili sa Tokyo, Japan si Robredo para sa nasabing pagtitipon na dadaluhan ­nina Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Vietnamese Vice President Dang Thi Ngoc Thinh at mga kinatawan ng mga kababaihan sa buong mundo.

Ayon sa Office of the Vice President, ang Global­ Summit of Women na dadaluhan ni Robredo ay may temang “Beyond Womenomics: Accelerating Access”, kung saan tatalakayin ang “corporate leadership” ng mga kababaihan.

Maging ang mga ginagampanang papel ng mga gobyerno sa buong mundo para sa mga kababaihan sa kani-kanilang bansa ay inaasahang magiging tampok na usapin sa nasabing pagtitipon.