“UNFAIR!”
Bulalas iyan ni Puri Titiwang sa mga nang-iintriga na kaya nagwagi si Wacky Kiray bilang Greatest Entertainer noong Linggo (June 4) sa I Can Do That ay dahil sa tulong ni Vice Ganda.
Eh ‘di ba, inintriga noon si Awra na kaya nanalo ito sa Your Face Sounds Familiar Kids eh dahil din kay Vice?!
In fairness kay Wacky, pinahanga niya ang mga hurado na sina Judy Ann Santos-Agoncillo at Boy Abunda pati na ang mga manonood na tumutok sa pagtulay niya sa alambre.
Magaling! Magaling!
Umani si Wacky ng total score na 93.75% at nag-uwi ng P1M.
Mabuhay!
Second placer si Cristine Reyes (83.09%) na nag-fire dancing at nag-uwi ng P300,000.
Third placer si Daniel Matsunaga (47.81%) na nag-aerial pole act at nag-uwi ng P200,000.
Fourth placer si Gab Valenciano (44.44%) sa kanyang ring man dance act at nanalo ng P100,000.
Tinutukan ng mga manonood ang I Can Do That noong Sabado (June 3) at nagkamit ng national TV rating na 19.7%, kumpara sa katapat na palabas na Celebrity Bluff na nakakuha lamang ng 12.9%, ayon sa datos ng Kantar Media.
mas magaling ang act na ginawa ni Christine Reyes kesa sa bisikleta na obvious naman na me support sa gulong dahil kung naunbalance ka e for sure mahuhulog ang bike..alam mo yun tourist spot na meron bike na tumatawid sa alambre..parang ganun lang yun kay Wacky.