Tinagpas ni Dwyane Wade at ng Miami Heat ang nine-game winning streak ng San Antonio, pero hindi nakalimutan ng Spurs ang 16-year veteran na matagal nang nagpasakit sa ulo nila.
Sa likod ng 22 points ni Goran Dragic, tinalo ng Heat ang Spurs 110-105 Miyerkoles ng gabi. Uuwi ng Miami si Wade na isa na namang winner sa San Antonio.
Posibleng huling laro na ‘yun ni Wade sa AT&T Center, mag-reretiro na pagkatapos ng season.
Marami nang pinagdaanan si Wade at ang Spurs, kasama si coach Gregg Popovich at Big 3 nina Tim Duncan, Tony Parker at Manu Ginobili.
Nag-rally ang Heat mula six-point deficit sa last 20.3 seconds para makapuwersa ng overtime at itakbo ang Game 6 tungo sa pagsikwat ng 2013 NBA championship laban sa San Antonio. Bumawi ang Spurs ng sumunod na taon nang talunin sa Finals ang Miami.
Nagbigay-pugay ang Spurs kay Wade bago ang laro sa pamamagitan ng 1 ½ video, kabilang ang bugbugan nila sa Finals. Pagkatapos, binigay ni Popovich kay Wade ang gift box.
Hindi makapaghintay si Wade na buksan ang gift ng Spurs, kabilang rito ang signed jerseys nina Duncan, Parker at Ginobili.
“Legends,” sambit ni Wade. “Hall of Famer jerseys in those boxes with the Big Three here in San Antonio. Guys I have so much respect for with Duncan, Ginobili and Parker.”
Pagkatapos ng laro, nakipagpalitan ng jersey si Wade kay DeMar DeRozan sa halfcourt. Hinarana siya ng “D-Wade” ng Spurs fans habang iniinterbyu sa postgame. (VE)