Nakaupo lang si Dwyane Wade dahil may iniinda, pitong players ng Miami ang nagsumite ng double figures sa pangunguna ng 24 ni Josh Richardson at tinambakan ng Heat ang Cleveland Cavaliers 117-92 Miyerkoles ng gabi.
Hindi na nagtaka si Heat coach Erik Spoelstra na maraming players niya ang nag-deliver sa pagliban ng third-leading scorer na si Wade.
“One of our biggest strengths is our depth and versatility,” lahad ng Fil-Am coach. “We should be a team with 7-8 guys in double figures every night. It shows that we have a lot of guys that can hurt you.”
Nagdagdag si Tyler Johnson ng 16 points, 13 kay Derrick Jones Jr. para sa Miami na 16 for 31 sa 3-pointers.
Sa unang season na wala na si LeBron James, nabaon sa 8-30 ang Cleveland – worst record sa NBA.
Nakabalik na mula injuries sina Tristan Thompson at Rodney Hood, starters pa pero hindi rin naisalba ang Cavs sa pang-siyam na talo sa huling 10. Nagsumite ng 14 points si Thompson, 13 kay Hood.
Sa second quarter, humarabas ang Heat para baligtarin ang one-point deficit tungo sa 17-point lead. May 11 points si Jones sa period, naka-7 points si Dion Waiters sa loob ng 6 minutes sa unang laro niya matapos ang higit isang taon.
Outrebounded ng Miami ang Cleveland 25-9 sa first half. Nagbaba ng 9 boards si Heat center Hassan Whiteside para pantayan ang total ng Cavs sa first two quarters.