Wade napasabak sa Q & A

Pinagbigyang sagutin ni Dwyane Wade ang mga tanong na ibinato sa kanya sa question & answer hour na ginawa ng Miami Heat legend.

Mula kay LeBron James, sa kanyang One Last Dance tour, hanggang sa ginagawa sa quarantine ang ilan sa mga natanong.

“What was the best part about playing with Bron?” anang isa.

Hindi ang dalawang kampeonato nila noong 2012 at 2013 ang binanggit ni Wade.

“Creating Memories and Moments that will forever be a part of history of Basketball,” sagot ni Wade.

May nagtanong din kung ano ang best at favorite moment niya sa kanyang ‘One Last Dance’ tour.

Bago ang 2018-19, sinabi na ni Wade huling season na niya at tinawag pa niyang Last Dance.

Buong season raw na ninamnam ng three-time champion ang tour, bawat arena na pinuntahan. Kita naman ‘yun sa mainit na pagtanggap sa kanya ng crowd ng mga nakatunggaling teams.

“The entire One Last Dance season was my favorite. I couldn’t have dreamed of a better send off. That shit was hard!” balik-tanaw ni Wade.

Chicago Bulls daw ang magiging paborito niyang team kung hindi siya naglaro sa NBA.

“I’m a hometown kid when it comes to his favorite sports team. I love all Chicago teams,” lahad ni Wade.

Ano naman ang pinagkakaabalahan habang naka-quarantine?

“Building up a lot Kaavia content to share with everyone,” sagot niya patungkol sa bunso nila ni Gabrielle Union na si 1-year-old Kaavia James Union Wade na may 1.1M followers sa Instagram. (VE)