Wade, team owner ng Seattle?

wade1

Ibabalik ang Seattle Supersonics.

Bagama’t local hero na ang tingin ng Miami Heat fans kay 12-time NBA All-Star Dwyane Wade, ibang koponan pa rin ang laman ng kanyang puso’t isip.

Kung ang three-time NBA champion ang tatanungin, walang kaabog-abog nitong sinabing Seattle Supersonics ang koponang gusto niyang mamalagi at maging team owner sa kaniyang pagreretiro sa liga.

“Seattle. I want Sea­ttle’s team, the Sonics, to come back, I think Sea­ttle is a great basketball town. I would love to be a part of that.” pahayag niya sa Bloomberg.

Huling nakita ang prangkisa ng Superso­nics noong 2008 kung saan tumagal ito ng apat na dekada bago palitan ng ngayong Oklahoma City Thunder.

Hindi rin mala­yong mangyari ito lalo’t plano na ng gobyerno ng Seattle na muling makatapak sa premyadong liga sa paga-ayos ng Key Arena na inaasahang matatapos sa taong 2020 na magiging malaking parte para maikonsidera na expansion team.

Ngayong 36-anyos na si Wade, nalalapit na ang kaniyang pagreretiro ngunit mukhang hindi ito mawawalay sa kinahiligang sport na basketball.