Nakalutang pa rin sa ere ang status ng 2019-20 National Basketball Association (NBA) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hindi pa rin tapos ang pamiminsala disease outbreak kaya wala pang decision kung itutuloy o ikakansela ang 74th NBA ngayong taon.

May ilang teams na umaasang makakasungkit ng korona ang nais na ipagpatuloy ang labanan lalo na ‘yung mga nasa top 8 sa ng Eastern at Western divisions.

Isa sa mahigpit ang pagtutol na huwag kanselahin ang liga para sa asintang pang-apat niiyang titulo si four-time Most Valuable Player LeBron James at Los Angeles Lakers teammates na ituloy ang NBA sakaling tuluyanng maalis na ang COVID-19 at maging ligtas na ang lahat.

“As soon as it’s safe we would like to finish our season. I’m ready and our team is ready. Nobody should be canceling anything,” giit ng Lakers superstar.

Maliwanag na mga kapakanan ng mga player ang una sa NBA kaya masusing pinag-aaralan kung ikakasa pa ang natitirang mga laro sa regular season hanggang sa Finals.

Ang Milwaukee Bucks ang kasalukuyang nangunguna sa East sa 53 wins at 12 losses kaya pasok na sa playoffs. Sokpa sa Magic Eight ang defending champion Toronto Raptors (43-18) at Boston Celtics (43-21).

Angat naman sa West ang Lakers na may 49-14 karta, tulad ng ibang nabangit na teams ay swak na rin sila sa playoffs. Nakabuntot ang Los Angeles Clippers na may 44-20 pero wala pang tiket sa next round. (Elech Dawa)