‘Wag bitawan ang ‘Climate Change’ talks

Todo ang panghihimok ni Albay Rep. Joey Salceda ang pamahalaan na lalong tutukan at huwag bitawan ang mga negosasyon ‘climate change’.

Para ito sa kaligtasan ng mga Pilipino at iba pang “matinding praktikal na konsiderasyon,” kasama na ang pagkakaroon ng po-der sa pundo, teknolohiya at proseso sa pagtatatag ng kakayahan.

Bilang ‘chairman ng House Committee on Climate Change, iniha-yag ni Salceda ang pakiusap sa Pangulo matapos ideklara ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin na hindi na padadaluhin ng pamahalaan ang mga opisyal nito sa mga kumprensiya kaugnay ng climate kung sasakay pa sila ng eroplano.

Sa halip ay sasagot na lamang ng YES sa pamamagitan ng internet sa mahahalagang panukala tinatalakay nito.

Bago ito, sumulat na rin si Salceda kay Pangulong Duterte na pag-aralang mabuti ang napipintong panuntunan ng pamahalaan na huwag nang sumali sa mga usaping climate change dahil wala naman diumanong silbi ang mga ito.

Giit pa ng mambabatas, “nasa kritikal na yugto na ang usapin kaugnay sa implementasyon ng Paris Agreement dahil napakahalaga nito sa bansa kahit mabagal nga ang progreso ng inaasahang mga pagbabago.”

“Kung hindi na tayo sasali sa Conference of the Parties (COP), mawawalan na tayo ng boses at karapatan sa pundo, teknolohiya at capacity building concessions,” dagdag ng mambabatas.