‘Wag hayaan ang mga bandido na maghasik ng karahasan

letter_to_editor-box

Sir/Ma’am,

Isa po akong mamamayan ng Basilan, ayon sa kumakalat na balita sa social media, pinagbibintangan ang ating kasundaluhan na sila raw ang nagpasabog ng Improvised Explosive Device (IED) na ikinamatay ng dalawang bata at dala­wang sugatan pa.

Magpakita ng ibedensiya bago magbintang. ‘Yan ay walang katotohanan, ‘yan ay ­pakana lamang ng mga taong galit sa gobyerno­ upang magkaroon na rin ng ­matinding galit ang ibang mamamayang ­Pilipino sa gobyerno.

Sana ay alamin muna ang katotohanan bago magbintang. Sa aking pala­gay hindi magagawa ng mga sundalo ang pumatay ng ganu’n-ganu’n lang lalo na mga bata.

Maraming grupo na puwedeng gumawa nito, gaya ng mga bandidong grupo, hindi ang mga sundalo. Magtulungan na lang tayo, huwag na na­ting dagdagan pa ang mga nangyayari na karahasan at kahirapan ng ating bansa na dulot ng mga bandidong grupo. Tulungan natin ang ating kababa­yan lalo na ang susunod na henerasyon na mapalayo sa anumang karahasan.

‘Wag nating hayaan ang mga bandidong grupo na maghasik ng karahasan sa ating bayan, kung may mga kahina-­hinalang mga tao o gamit, ipagbigay-alam o magsumbong agad sa malapit na awtoridad para sa ­kaligtasan ng lahat.

ABDUL M JALAINI

Basilan