‘Wag kang picky! Mag-grocery sa malapit

Hinimok ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang publiko na huwag nang lumayo sa kanilang mga lugar kung mamimili ng grocery o pagkain .

“Kung mamimili lang dahil mamimili ka ng gusto mo, kaya gusto mo pumunta ng ibang siyudad, ibang lugar, kung mahahanap naman dun sa city mo o sa lugar mo dun na lang,” sabi ni Nograles sa online press conference.

Aniya, mas pinahigpit ang pinatutupad na polisiya sa Authorized Persons Outside of Residence (APORs) makaraang makarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdami ng mga sasakyan sa EDSA sa kabila nang umiiral na enhanced community quarantine.

“‘Wag na lang tayo picky. When in case of doubt, wag na lang. You have to understand the situation na lang,” sabi pa nito.

Kabilang sa mga listahan ng APORs a mga medical, funeral, security services at emergency responders kasama din ang mga nagtatrabaho sa mga bangko, palengke, botika, food chain, gayundin ang mga government official, media at mga agricultural worker. ( Prince Golez)