‘Wag kayo magkudeta ‘di ako kapit-tuko

Sa takot na makudeta, nagmistulang maamong tupa si House Speaker Alan Cayetano na nagpahayag na kusa siyang bababa ng puwesto kapag tuluyan nang nawala sa kanya ang suporta ng mayorya ng mga kapwa niya congressman.

Magugunita na na­ging malakas ang ugong na ikukudeta sa Speaker­ship si Cayateno nang maglabas ng cryptic message si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang Instagram account na tila nagpaparinig sa mga miyembro ng Kamara na sumuporta kay Cayetano.

‘I told you so’ is a sure-fire way to kick-start an argument. In the same way, ‘you do not listen’ will ignite a conversation into a heate­d one. May I just say to everyone in Congress, ‘I told you but you did not listen so there you go,’” sabi pa sa IG post ng Presidential daughter.

Bunsod ito ng mga aberya at sinisilip na korupsyon ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunuan nito sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).

“‘Yung gusto naman maging Speaker, puwede naman maging Speaker. Hindi naman ako magkakapit-tuko sa posis­yon na ito. I don’t even need (it). Nabasa ko sa isang front page may kudeta. They don’t have to have a coup d’état,” paha­yag ni Cayetano sa isang press conference sa San Juan City.

Aniya, hindi na kailangang magkudeta sa Kamara dahil bababa siya sa puwesto kung ito ang desis­yon ng mga mayorya ng mga kasamahan niyang mambabatas.
“They can come to me and say na, Sir, mas gusto namin si Martin Romualdez.’ Eh kasundong-kasundo ko naman si Martin Romualdez, sige Martin takeover.

After 15 months, sabihin naman ni Lord Velasco ako naman, eh ‘di takeover?” said Cayetano.

Si Marinduque Rep. Velasco ang kilalang pambato ni Sara sa pagka-House Speaker bago pa lutuin ni Pangulong Duterte ang term-sharin­g kay Cayetano.

Naging malakas ang espekulasyon na hindi tutupad si Cayetano sa gentleman’s agreement o 15-21 term sharing nila ni Velasco kaya’t ikinakasa ang kudeta.
Lumutang din na nag-iikot umano si Cayetano sa Kamara para sa loyalty check makaraan ang mga negatibong balita tungkol sa kapalpakan sa SEA Games. Nasa 15 mambabatas lang umano ang solidong sumusuporta dito.

Nang tanungin si Cayateno kaugnay ng reaksyon nito sa IG post ni Sara: “I don’t have IG,” sabi pa nito. (JC Cahinhinan)