‘Wag kutyain mga kandidata ng Bb. Pilipinas­ — Pia

Humiling ng kapayapaan ang Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach sa ginanap na Binibining Pilipinas Grand Coronation Night kagabi, June 9.

Lalo na at mainit ang nagiging bangayan ng mga fan sa tuwing sumasapit ang koronasyon.

Mensahe ni Pia sa mga fan, “I understand we’re very passionate in our pageants. But these girls are working hard to lead by example just by getting along with each other. So if they can get along, why can’t we?”
Ito rin umano ang bilin niya sa mga “Pianatics”, huwag kutyain o ibaba ang ibang kandidata bagkus suportahan.

Aniya, “If you have a favorite candidate, just focus on that candidate.”
Sa panahon kasi ng koronasyon ay talamak ang bashing online. Idiniin ng beauty queen na sa likod ng pagiging glamorosa ng mga kandidata ay mga tao rin sila na may puso at pakiramdam.

Ibinahagi pa nga ni Pia na ang 2019 Bb. Pilipinas candidates ay mababait at magkakasundo. (Ronaline Avecilla)