‘Wag matakot sa nCoV! Clark ‘kaldero’ selyado — DILG

Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sapat ang inihandang precautio­nary measure ng gobyerno sa mga na-repatriate na Pilipino mula sa Wuhan, China.

Ang may 32 Pinoy ay dumating kahapon nang umaga sakay ng chartered plane at kaagad na inilipat sa bus at dinala sa Athletes’ Village sa New Clark City sa Tarlac kung saan itinayo ang ‘kalderong ginto’ ni House Speaker Alan Cayetano kung saan sila isasai­lalim sa quarantine sa loob ng 14 na araw.

“Lahat ng protocols naman ini-implement. Isolated nga ‘yung mga dumating,” ayon kay Panelo.

Pinaalalahanan naman ni Panelo ang citizen na nagbabantang gagawa ng kaukulang hakbang sa paggamit ng NCC bilang isolation area na ito ay pag-aari ng national government.

Ayon kay Panelo, hindi mapipigilan ng local government ng Tarlac ang pagtira ng mga Filipino worker mula sa Hubei province na episentro ng virus sa Athletes’ Village.

“It’s natural (for local governments to react that way) but first, the place belongs to the national government so the local governments do not have a say on that,” sabi pa ni Panelo New Clark City selyado Kasado na ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga preventive measure sa Athletes’ Village sa New Clark City, sa Capas, Tarlac, kung saan dinala ang may 32 Pinoy na iniuwi ng bansa mula sa Hubei, China upang i-quarantine ng 14 naaraw at matiyak na wala silang taglay na 2019 novel voronavirus acute respiratory disease.(Dolly Cabreza/Juliet de Loza-Cudia/Prince Golez)