`Wag pasaway! Saranggola, drone bawal sa NAIA

Nagbabala ang Manila International Airport Authority (MIAA] kahapon, Biyernes, sa mga taong nagpapalipad ng mga saranggola at drone malapit sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil patuloy itong ginagamit kahit na binawasan ang flight operation habang pinaiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine.

Ang babala ng MIAA ay kasunod ng pagkaaresto ng ilang taong nagpapalipad ng saranggola ilang metro ang layo sa NAIA runway sa ParaƱaque City kamakailan nab anta sa seguridad ng mga pasahero at mga parating at paalis na eroplano.

Maaari kasi mahigop ang pinalilipad na saranggola ng makina ng eroplano.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, ang mga nahuhuling nagpapalipad ng saranggola o drone malapit sa paliparan ay maaaring arestuhin at panagutin bilang paglabag sa city ordinance.

Samantala, nagpaabot din ng mensahe si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio sa Brgy. San Dionisio na nakasasakop sa NAIA runway 06 para mahigpit na ipatupad ang city ordinance na nagbabawal ng pagpapalipad ng saranggola, drone at maging ang paggamit ng laser light sa bisinidad ng paliparan.

Bilang parusa naman ng mga pulis sa mga nahuli kamakailan ay inutusan ang mga ito na kunwaring may binabatak na tali ng saranggola sa ere sa labas ng police station na nag-virak sa social media. (Otto Osorio)