Umapela ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa taumbayan na huwag palalain at sak­yan ang mga fake news na diumano’y kagagawan ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang insidente sa Resorts World Manila.

Kasabay nito, nakiraramay ang mga mambabatas sa pamilya ng mga nasawi sa nasabing insidente matapos magpaka­matay sa pamamagitan ng pagsunog sa sarili ang nag-iisang suspek.

“Let us not panic and avoid labeling the attack as terroristic or perpetrated by ISIS. Allow first our authorities to fully address and investigate the incident,” ani Magdalo party-list Rep. Gary Alejano.

Sa ngayon, aniya, ay malinaw na robbery ang motibo ng suspek na isang dayuhan subalit agad na inangkin ng ISIS ang nasa­bing karahasan kaya­ hindi umano ito dapat patu­lan ng publiko.

“So far, isang isolated­ incident ang nangyaring­ pag-atake sa Resorts World sa initial kong tingin. But as the investigation unfolds, we will know the real score. Let us pray for the family of the victims and our country,” ani Alejano.

Ganito rin ang apela ni House committee on defense and security vice chairman Ruffy ­Biazon dahil lahat ng mga ganitong mga insidente ay inaangkin ng ISIS para makakuha lang ng atensyon sa mundo.

“People should maintain sobriety and remain calm, and avoid actions that could fuel more confusion and unnecessary anxiety to others. People should not take to social media and spread information and unverified and dubious sources, false information, fake news or rumors passed on through SMS or the internet,” ani Biazon.

Sa panig ni Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe, mahalaga­ ang tulong ng bawat mamamayan kaya dapat ani­yang maging responsable ang mga netizens sa pagpapakalat ng fake information dahil lalo lamang magiging dahilan ito ng pagpapanik ng mamamayan.

“For the meantime, nakikiramay tayo sa mga mahal sa buhay ng mga biktima,” ani Batocabe.

5 Responses

      1. AY UU NGA – TAMA KA (hahahahehehihihohu…..)
        “FAKE” NGA MGA UTAK NATING MAKA-DUTERTE PERO ‘YUNG PAGIGING SIRA ULO NATIN EH ‘HINDI’ FAKE – tuna’yun HEHEHEHE ..HEHEH