Nagtatampo kaya si Gat Andres Bonifacio?
Kaliwa’t kanang ulat mula sa 30th Southeast Asian Games 2019 ang mga nakikita, nababasa, at narinig sa mga pahayagan, radyo, telebisyon at socmed.
Ilan kaya ang nakaalala pa kaya sa atin sa bayaning nagbigay sa lahing kayumanggi ng kalayaan at tunay na depinisyon ng pagmamahal sa bansa?
Bukod sa kaabang-abang na SEA Games opening Sabado, ‘di naman napigilan ng ibang mga netizen na ipaala na ang Nobyem,bre 30 ay ‘di lang sa SEAG opening, kundi araw ng ika-156 na karaawan ng Ama ng Himagsikang Pilipino.
Sabi ni @KINGINANICALUM, “aside from the opening ceremony for sea games today I just want to remind you that its andres bonifacios birthday we should celebrate J)))))).”
Ganito rin ang hirit ni @clarencealviar, “Sea game 2019 opening today! “Let’s not forget it’s also Bbonifacio day! Go Philippines!” ani @QuilicoKenna.
“Hindi lang po opening ng sea games ngayon. ANDRES BONIFACIO DAY din po.
Hirit ni @Jowwdieeeee. “Birthday ni Bonifacio ngayon huy!”
Humabol naman si @Yourence, “today, Bonifacio day aren’t treated as a special day unless it cancels classes.”
Nakalulungkot na namatay lang din siya gaya ng isa pang heneral mula sa kamay ng inggiterong kaaway na naging bayani pa. Pero hanggang ngayon ay ‘di maitama ang kaganapan sa pasaysayan ng bansa. (AE)