‘Wag ‘yung ngawa ng Pangulo ang tingnan – Abella

Pinaiintindi ng Palasyo ng Malacañang ang istilo ni  Pangulong Rodrigo Duterte at iginiit na hindi dapat tingnan ang style ng pananalita nito kundi sa kanyang paninindigan at mga nagagawang aksyon sa kanyang administrasyon.

“So, what we are saying here po is that we need to … it not just on the words na… ‘yung style ng Presidente ng pananalita. But we need to go back to what he actually stands for at tsaka po ‘yung mga pinaggagawa niya,” wika ni Presidential spokesman Ernesto Abella.

Sinagot din ng tagapagsalita ng  Malacañang ang pahayag ni Senador Risa Hontiveros na naging mapanganib para sa mga kababaihan ang unang taon sa si Pangulong Duterte sa pamamahala.

“Kung talaga pong ano, nakita ng ano… If only the Senator would really look and not just make comments based on prejudgments and kneejerk reactions, I would say that she… we would be in a better place,” ayon kay Abella.

Sinabi pa ni Abella na hindi dapat na husgahan ng senadora ang pangulo sa mga binibitawan nitong salita, kundi dapat sa bawat posisyon nito sa mga isyu.

Pinaalala rin ni Abella na noong Mayor ng Davao City si Duterte ay naipatupad niya ang local version ng Reproductive Health Bill bago pa ito naisabatas.

Suportado rin aniya ng Pangulo ang Women’s Code na ipinasa ng Davao City Council noong 1997.