Binatikos ng isang grupo ng mga manggagawa ang pamahalaan at mga employers dahil sa hindi pag-aksyon sa wage hike na hiling ng mga ito.
Giit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) dahil sa pagiging inutil ng pamahalaan at mga employer members ng wage board ay nadadagdagan ang bilang ng mga manggagawa na nasasadlak sa kahirapan.
Hunyo 6, taong kasalukuyan nang ihain ng ALU-TUCP sa wage board ang wage increase petition na P184 daily wage kung saan natapos na ang isinagawang public consultations sa mga employers at labor groups noong Agosto 7.
“They should be held responsible to the poverty experienced by workers. The wage board is causing the misery of the people,” sabi ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay.