Patay ang isang waiter matapos na bistayin ng bala ng isang lasing na kelot sa Barangay Lumingon, Tiaong, Quezon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Edgardo Castillo Angeles, 47-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Tiaong police,   alas- 4:15 ng hapon nakatayo lang ang biktima sa harap ng kanyang bahay ng dumating ang suspek na si Jaime Hernandez de los Reyes.

Pataksil na malapitang binaril ng suspek ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo sa hindi pa mabatid na dahilan bago mabilis na umiskiyerda.