Wakas ng landas ng manyakis na akyat-bahay

EDISON REYES

Gayunman, nang madakip sa isang operasyon ng pulisya ang kasabwat ni Edison sa ginagawang pagnanakaw sa lungsod ng Maynila, nagpasya siyang muling lumakad nang nag-iisa at bumalik sa area ng Caloocan, Malabon at Navotas.

Nasa hangganan lamang ng Barangay North Bay Boulevard (NBBN)-Kaunlaran sa Navotas City ang Barangay Longos sa lungsod ng Malabon kaya’t nakabisado na ni Edison ang lugar at natuklasan niya ang katahimikang umiiral sa naturang barangay.

Noong Agosto ng taong 2018, bago umuwi o pumasok bilang batilyo sa Navotas Fish Port, iniikutan muna ni Edison ang barangay NBBS at iniisa-isang suriin ang mga kabahayan na madali niyang mapapasok.

Agosto 8, 2018 dakong alas-doa nang madaling-araw nang pasuking mag-isa ni Edison ang bahay ng isang pamilya sa Lot 53 Phase 2 Area 1 ng Barangay NBBS matapos niyang matiktikan na mag-ina lamang at isang 5-taong gulang na batang lalaki ang naiiwan dito sa gabi.

Kapwa nasa panggabing trabaho ang asawa at ama ng 22-anyos na magandang ginang na itinago lamang sa alyas Lina kaya’t sila lamang mag-ina at ang anak niyang lalaki ang naiiwan.

Dahil tahimik at wala namang nagaganap na malaking krimen sa kanilang barangay, hinahayaan ng pamilyang ma­tulog na bukas ang kanilang bintana lalo pa’t nagkalat naman ang closed-circuit television (CCTV) camera sa kanilang lugar.

Ang hindi batid ng pamilya, natiktikan na ni Edison ang kanilang tirahan at alam kaagad kung saan siya mangungunyapit paakyat sa bukas na bintana.

Nang makapanayam ng TUGIS si Lina at ang 50-anyos niyang ina sa kanilang tirahan sa Barangay NBBS, itunuro niya ang dating bukas na bintana na dinaanan ni Edison, pati na ang konkretong bakod na tinuntungan nito upang madaling makaa-akyat papasok sa loob ng bahay.

Sa ikalawang palapag ng bahay natutulog si Lina at anak na batang lalaki habang nasa ibaba naman ang kanyang mga magulang.