Wakas ng landas ng manyakis na akyat-bahay

Edison Reyes

Noong Abril 1, 2019, muling nakasilip ng pagkakataon si Edison na magsagawa ng pagnanakaw sa loob ng isang bahay sa Area 4 naman ng Brgy. NBBS at matagumpay na napasok ang loob ng tirahan ng isang pamilya.

Ganap ng alas-kuwatro nang madaling-araw nang mapansin ni Edison ang mahimbing­ na pagkakatulog ng 18-anyos na dalagang estudyante na itinago lamang sa pangalang Mara habang naghahalughog ng mananakaw sa loob ng bahay.

Bitbit na ni Edison ang backpack na naglalaman ng tinangay na mga gadgets sa bahay ng pamil­yang biniktima subalit sa halip na tumakas, unti-unti niyang ginapang ang natutulog na estudyante.

Mistulang hayok na hayok sa laman nang pagapangin ni Edison ang kanyang kamay sa dibdib ni Mara hanggang dakmain na rin ang kaselanan ng dalaga na naging dahilan upang maalimpungatan at ma­gising ang biktima.

Gayunman, bago makasigaw para humi­ngi ng tulong ang dalaga, tinutukan na siya ng patalim at binantaang papatayin ni Edison kapag gumawa ng ingay.

Muli sanang itutuloy ni Edison ang makamundong pagnanasa kay Mara subalit nagising na rin ang mga kasama sa bahay ng biktima kaya’t walang nagawa si Edison kundi mabilis na tumakas, tangay ang backpack na naglalaman ng mga ninakaw na cellular phone, i-pad at wallet na naglalaman ng hindi nabatid na halaga ng salapi.

Kaagad namang humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay ang pamilya ng biktima subalit nang tumugon ang kalalakihan sa lugar, kasama ang ilang mga barangay tanod, hindi na nila inabutan si Edison.

Nang makarating sa kaalaman ng mga tauhan ng Navotas Police Community Precinct (PCP) 4 ang panibagong insidente ng pagnanakaw at pangmo-molestiya sa dalagang biktima, kaagad silang nakipag-ugnayan sa opisyal ng barangay sa lugar upang rebisahin ang kuha ng nakakabit na CCTV came­ra sa lugar.