“I’M CLEAR of my conscience, wala akong anak!”

Iyan ang mariing pagtanggi ni Pambansang Bae Alden Richards sa 24 Oras tungkol tsismis na ikinakalat sa isang social networking site.

Bago ang panayam ni Richards, may tweet ang kanyang ama na hinahamon ang creative writers na ipa-DNA silang dalawa of the child in question para matigil na ang katkatera at tsismosa.

May netizens kasi na ipinagpipilitan na ang bunsong kapatid ni Richards ay kanyang anak.

May larawan pang pinagtabi ang mukha ni Alden nang ito ay musmos pa at ang bata na sinasabing supling nito.

Gusto nilang ipakita na magkamukhang-magkamukha ang dala­wa.

Kumbinsido sila that Richards already sired a child.

Para sa kanila, sinungaling ito, walang bayag, walang konsensya, walang kahihiyan, duwag at salat na salat ang pagkalalaki dahil hindi nito kayang aminin ang totoo.

Ngayong may denial na ang relatively young actor, matatahimik na kaya ang mga duduso at dudusa?

Tatanggapin kaya nila ito?

Siyempre, isang ma­laking HINDI ang sagot sa mga tanong.

They have their own version of the truth at ‘yun ang kanilang panghahawakan. Hindi nila ito bibitawan.

Thinking out loud, if indeed, Alden has a child, masama ba ‘yun?

Sa makulay na kasaysayan sa showbiz, mara­ming mga artistang lalaki naman ang may mga anak out of wedlock and if my recollection serves me right, hindi agad-agad na inamin nila ang tungkol dito.

Kasi, they are protecting and shielding the identity and innocence of their children.

Kasama na rin siyempre ‘yung pinoprotektahan nila ang kanilang career.

At sila naman ang dapat mag-handle ng sitwasyon the best way they can.

Sa pagtanggi ni Alden, buo ang pananalig ko sa kanyang pahayag. Kita sa panayam na hindi siya nagsisinungaling.

Walang dahilan para siya ay magsinungaling. Laging tapat si Alden.

Sa mga patuloy na nanalig sa mga kwentong inyong inimbento, sige, kaya n’yo na ‘yan.

Alam n’yo ang tama at mali.

Kung may kaunti pa kayong konsensya, preno naman sa mga paratang lalo na’t may bata kayong idina­damay.

Maawa kayo sa batang walang malay na ginagamit ninyong kasangkapan para sa inyong mga kwentong kataka-taka at nakakahibang.

Kaunting kahihiyan, please.

4 Responses