Tulad ng aking inasahan, tama ang the diva that you love na ang “StarStruck Season 7” Ultimate Male Survivor ay si Kim de Leon at si Shayne Sava ang Ultimate Female Survivor.
Obviously the magic that the show once had dwindled, if not diminished. Wala na ang crowd na sumugod sa Araneta Center noong si Mark Herras, Jennylyn Mercado, Rainier Castillo at Yasmien Kurdi ang naging Starstruck’s The Originals.
Gone with wind at wala ang man mean heat provided by Enzo Pineda, Rocco Nacino and Steven Silva and sizzle na dala ni Sarah Lahbati noong 2009 na damang-dama rin sa Araneta.
Ang katatapos na finale, sa studio lamang nangyari huh!
Ang nakakaloka pa, at kung sino pa ang StarStruck reject, si Alden Richards ang may special song with the misses and dance with the gents.
Kaya good karma ang Pambansang Bae kasi nga he is magnanimous in VICTORY.
Kulang na lang sabihin ng “StarStruck” team na wala silang sumikat na galing sa reality based artista search.
Meron sumikat, si Jennylyn Mercado. Dahil sa infamy, si Katrina Halili. After them, lahat ng mga dating “StarStruck” na nasa Dos ngayon, sumikat at nararamdaman pa rin.
For those na loyal, dama mo pa sila o sila ay parang nasa dako pa roon na?
Kaya Kim and Shayne, SURVIVE!
Sue, Arci Muñoz, Jean luhaan kay Angie
Sa PPP Awards, best picture ang “Lola Igna”, na inuwi rin ang tropeo para sa best actress (Angie Ferro), best screenplay (Eduardo Roy Jr. & Margarette Labrador), at best musical score (Andrew Florentino).
May acceptance speech clip si Ms. Angie na napanood ang diva that you love: “Sayang naman ang best picture kung walang sinehang dagdag,” sabi nito sa entablado. Palakpakan ang mga tao.
Paglalambing pa nito: “Panoorin naman. Ahh, hindi kayo magsisisi. Panoorin lahat. May audience ba dito? O mga artist lang? Siguro, mag-ano tayo sa TV—invite everyone. Press, isulat ninyo, ha? Kasi, sayang naman, best picture, o?! Maraming salamat! Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Mabuhay ang mga artistang Pilipino!”
Hiyawan, sipulan at maigting na palakpakan ang binigay ng mga tao kay Ms. Angie.
Kanyang panawagan sa mga young film lovers: “Mga kabataan, ipagpatuloy ninyo… kayo ang pag-asa. Walang ano, ha? Hindi puwedeng papayag kayo na… ‘pag hindi maganda. Kailangang hubugin ang talino. Kahit kayo’y… ochenta y dos na ako, ha? Ngayon lang ako naging leading lady sa pelikula.”
Ang mga thank you girls niya sa best actress ay sina Anita Linda, Sue Ramirez, Arci Muñoz at Jean Garcia.
Tagumpay ang alindog at yumi kaya best actor si Martin del Rosario at kaagaw niya sa tropeo ang co-stars sa “The Panti Sisters” na sina Paolo Ballesteros at Christian Bables, maging sina Khalil Ramos at McCoy de Leon.
Ang best supporting actress ay si Tuesday Vargas (“LSS: Last Song Syndrome”). May chance kayang magka-Gurlis Club sina Ina Raymundo, Nova Villa, Jaclyn Jose, at Maria Isabel Lopez?
Sa best supporting actor trophy ni Gio Alvarez mula sa “I’m Ellenya L”, hindi na ba siya finality the WHO?
Ang iba pang nominadong best supporting actor ay sina John Arcilla, Vance Larena, Jameson Blake at Rodolfo Muyuela.
Melanie in sa pag-win ng anak
Hila na naman sa relevance ladder ang fashion icon, former Asian supermodel at Ms. International Melanie Marquez. Bakit kaniyo? Ang newly crowned Ms. World Philippines, si Michelle Dee, siya lang naman ang nanay.
Nasa balikat niya ngayon ang second most important beauty title. Ang tatlong iba pa ay Ms. Universe, Ms. International at Ms. Earth. Kaya kung wala ka sa Top 4, huwag ka na umasa na ang diva that you love, isusulat ka, huh!