Sinuspinde kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng “truck ban passes exception” para lalong mapaluwag ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbor, batay sa Memorandum Circular No. 13 na may petsang Setyembre 1, 2016, kanilang inaatasan ang lahat ng mga trucking firm at operators na mahigpit na sundin ang truck ban routes at window hours.

Ayon sa MMDA, ang mga truck na nagkakarga ng mga “perishable goods” o mga napapanis at nalalantang kargamento ang inisyuhan ng ahensya ng “truck ban passes exception”.

Subalit, ayon sa MMDA ire-recall nila ang lahat nilang inisyung “truck ban passes exception” upang rebyuhin ito ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) at malaman kung gaano karami ang bilang nito na bumabagtas sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila.

Dahil sa hakbangin ito ng MMDA, huhulihin na ang lahat ng mga truck na may kargang perisha­ble goods na babagtas sa mga pangunahing lansa­ngan ng Metro Manila kapag hindi “window hours”.

Ang naturang hakbangin ay nakasaad sa ina­prubahang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng Metro Manila mayors, ang policy making body ng MMDA.

Matatandaaan, ang Special Traffic Committee ng MMC, na binubuo ng MMDA at ng 17 alkalde sa Kalakhang Maynila ang unang naglabas ng resolusyon na nagbibigay karapatan na MMDA na mag-isyu ng truck ban conduct passes sa lahat ng mga truckers palabas o papasok ng Metro Manila.

One Response

  1. TAMA YAN…DAPAT LANG YAN SA MGA PASAWAY SA BATAS….REKLAMO NG REKLAMO NA TRAFFIC PERO SILA ANG NAKAKATRAFFIC….WALANG INIWAN SA MGA NAGREREKLAMO NA LAGING BAHA PERO SILA ETONG TAPON NG TAPON NG BASURA SA KANAL KAYA BUMABALIK SA KANILA ANG KARMA……MGA PAKSHET….HAHAHA