MGA bulilit naman ang bida sa TAWAG NG TANGHALAN KIDS sa It’s Showtime.

Tinanghal na unang daily winner at defending champion si John Clyd Talili ng Mindanao noong Lunes (Marso 13).

Matinding bosesan pa rin ang mapapanood araw-araw sa TNT Kids.

This time, wala nang gong na pipigil sa contenders sa pag-awit. Isa pang kaibahan… kapag nagwagi na nang limang beses ang defending champion, kailangan na niyang ipasa ang golden mikropono at maghaha­nap muli kinabukasan ng bagong defending champion ang kumpetisyon.

***

Masaya ang atmosphere sa Filipino Pavillion sa Hong Kong ­Filmart.

Nandu’n ang major distributors at producers ng mga pelikula. Nandu’n din ang ilang direktor na naghahanap ng funding para sa kanilang projects.

Kabilang sa mga namataan du’n ang isang direktor na naghahanap ng funding para sa follow-up film niya after he joined a local festival.

Sana lang, hindi kasimpangit ng debut film niya ang susunod na gagawin niya.

Kahit local funding ay hindi siya pagkakatiwalaan dahil ultimo artista niya ay alam na nilaro niya at pinag-eksperimentuhan lang ang naunang pelikula.

Sayang!

***

Matindi ang exposé ng kasamahang si Jobert Sucaldito sa isang talent manager.

Kailangang imbestigahan kung may power tripping na nagaganap pero kita na parang hawak nila ang Umagang Kay Ganda, Tawag Ng Tanghalan at ASAP sa dami ng artists nila du’n.

Imbestigahan kung controlled ito ng iisang manager na tinutukoy ni Jobert.

“According to a very reliable source, pinagalitan ng isang higher-up ng isang tv show ang assistant ng boss ng isang talent­ management company ­dahil totoo raw na kinakausap nito ang ilang promising singers na sumali sa isang ­talent search para magpa-handle sa kanila.

“Pinaalalahanan pa raw nito ang mga nakausap na contestants na puro artists nila ang members ng hurado kaya para ­maka-sure win, magpa-handle daw sa kanila.

“Malas niya dahil hindi lahat ay nabola nila. Ha! Ha! Ha! Tanga-­tangahan lang ang peg, di ba?

“Speak up, men! Baki­t ang tahimik ninyo ngayon­? ‘Yung maiingay at mga echosera ninyong PR girls ay pagsalitain ninyo to ­defend your company.

“Pati mga shows daw ng ibang talent managements ay sinusulot ninyo. Hindi pa ba kayo kuntento na kulang na lang ay ipasok ninyo ang artists ninyo sa cartoon shows ng tv network?

“Puro artists na lang ninyo ang napapanood — hindi na nakakasingit halos ang iba. Bakit daw pumapayag ang said network sa ganitong siste na puro sila-sila na lang n­apapanood? “Kaya tuloy nagsa-suffer ang ratings dahil nakakasawa na ang pagmumukha ng mga ito. Hay naku — poor guys! Makakuha lang ng bookings, baratilyo ang labanan — package deals ang pinaiiral.

“Pasosyal-sosyal pa kayo eh jologs naman ang style ninyo. Ha! Ha! Ha!” post ni Jobert sa Facebook.

***

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Na-inspire si Dingdong Dantes na maging triathlete matapos sumali sa recently concluded na Ironman 70.3 sa Subic.

Gusto ng Case Solved host na masubukan ang buong sport na triathlon (magkakasunod na swimming, biking at running).

Post ni Dingdong sa Instagram, “Yesterday was tough. Despite the challenges, I was able to finish the bike leg, safely.

“This sport is truly a test of one’s spirit and I have much respect to the real triathletes.

“One day, I wish to accomplish all three. For now, I am grateful that I was given the chance to enjoy the weekend and race in the relay division with my friends.

“This experience is definitely a motivation for me to do better next time.”