Wala ng dahilan para hindi bumaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang pagkain dahil ang panguna­hing driver o nagpapataas ng presyo nito ay bumaba na.

At least sa pang-unawa ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ito ang ginagamit niyang dahilan iiwas ang sisi ng inflation sa kanyang gobyerno.

Sana nga magtuloy-tuloy ang kaganapang ito lalo’t ang Qatar ay nagpahayag na, na kakalas sa Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Puwede na silang magbenta independently from the group na siyang nagdidikta ng presyuhan ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. At least makikita natin ang epekto nito sa kanilang pagpupulong sa unang yugto ng susunod na taon.

Pero ang maga­ling na gobyerno ay humahanap ng paraan, sa kabila ng mga kaganapang ito para maibsan ang paghihirap ng kanyang mamamayan.

Tinangkang maibsan ito sa pamanagitan ng pagsususpinde ng karagdagang buwis sa petrolyo na sila rin ang nagpataw at kamakailan ay binawi rin at itutuloy sa susunod na taon. Tatlong buwan lamang na suspensiyon, hindi pa tinuloy. Ang magaling na gobyerno ay tumatahak sa daang tinatahak ng kakaunti.

Ang tikas ng isang gobyerno ay nasusukat sa pamamagitan ng paghahanap ng mga paraan maibsan ang paghihirap ng kanyang mamamayan sa kabila ng mga external factor gaya ng pagtaas ng krudo.

Buti na lang pala bumaba ang presyo ng langis. Kundi gutom tayo ngayong Pasko.