Tumanggi si Vice President Leni Robredo na magkomento sa pagdulog ng abogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Josue Sabio sa International Criminal Court (ICC) dahil wala pa naman aniyang naihahaing kaso.
Sa ambush interview kay Robredo sa Cabanatuan, Nueva Ecija, kahapon, sinabi nitong mahirap magkomento sa nasabing isyu dahil premature pa lamang umano ito.
“Unang-una kasi wala pa namang complaint. Parang iyong finile yata isang communication pa lang na hinihingi sa prosecutor na mag-imbestiga,” ani Robredo.
“Wala pang aksyon iyong prosecutor kung bibigyan niya ngang saysay iyong hininging imbestigasyon. Palagay ko meron ng findings iyong prosecutor at mayroon nang complaint na iaangat, parang mas nasa posisyon na tayong magkomento,” dagdag pa ni Robredo.
Subalit kung si Robredo ang masusunod, nais nito na sa Pilipinas dapat munang resolbahin ang problemang idinulong ni Sabio sa ICC bago ikonsidera ang international community.
“So ito, siyempre lalo tayo na public officials sa Pilipinas parang mas ninanais natin na tayo sana iyong mag-resolve ng mga problema sa atin,” ani Robredo subalit hindi umano nito masisisi si Sabio dahil mayroon itong ipinaglalaban.
Ang pagdulog ni Sabio sa ICC ay dahil sa mga patayan sa Pilipinas sa gitna ng giyera kontra ilegal na droga kung saan lagpas na sa 8,000 ang napapatay simula noong Hulyo 2016.
Wala ngang nangyari sa reklamo ng mga dating DDS dahil nga binabara nila Gordon at Cayetano so walang makuhang true judgement kaya dapat sa ICC talaga dalhin. Lutong makaw sa Pilipinas.
syempre alam mo… sa iyo nag rereport sina sabio at trillanes…