Walang awang pumapatay

letter_to_editor-box

Dear Sir,

Kapuna-puna ngayon na karamihan sa ating mga mamamayan lalo na ang ating mga opisyales sa pamahalaan ay hindi na marunong sumunod sa batas. Hindi ba bawal ang corrupt, bawal ang maki-apid, bawal ang kumuha ng mga bagay na hindi mo pag-aari? Bakit nangyayari ito sa ating kapanahunan? Na tila baga mas sila pa ang nakakataas sa batas. Tulad na lang sa nangyari kina Sec. Sueño ng DILG, Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez, mga lider ng KADAMAY at mga opisyales sa Bureau of Immigration at iba pang opisyales na umamin na marami siyang girlfriends. Nakakalungkot na isipin na majority sa atin ay purong Katoliko pero lihis naman ang pinaggagawa sa turo ng Kristianismo. Nasaan na ang values ng Pilipino? Dapat talagang baguhin ang sistema na tanging si PDu30 lamang ang makakapagbabago sa tinatahak ng maling landas. Kamay na bakal at political will lang ang katapat nito.

Alejandro A. Florada
Mabalacat, Pampanga

***

Dear Sir,

Ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ay naka-alerto dahil mayroong napapabalitang mga teroristang nais pasukin ang Cagayan de Oro City na nagmula sa Marawi City Lanao del Sur. May namataan umanong teroristang nagngangalang Khalil kasama ang iba pang International terrorist na nakasakay sa isang puting Toyota Innova na may plakang PTK 327.

Ang ganitong uri ng mga tao ay ‘di na dapat nabubuhay. Kung ano man ang ginagawa nila ay dapat din nating ibalik sakanila. Wala silang awang pumapatay ng kapwa na labag sa mata ng Diyos at labag sa batas ng tao. karumaldumal ang kanilang ginagawang pag-atake, pagpaslang, pangingidnap at pagpapasabog sa iba’t ibang bansa. Maraming pamilya ang nawawalan ng mahal sa buhay at ari-ariang nasisira.

Leo T. Tria
Bataan