Walang betrayal of public trust sa video message ni Robredo

Wala umanong ‘betrayal of public trust’ sa naging video message ni Vice President Leni Robredo sa United Nations (UN).

Bagama’t hindi isang abogado, sinabi ito ni Recto kasunod ng banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magsasampa ito ng impeachment case kay Robredo dahil sa ‘betrayal of public trust’.

“Wala akong nakikitang betrayal of public trust as far as the video message is concerned, you know. Number one, it is part of democracy to cri­ticize government policy so I don’t see any betrayal of public trust there,” diin ni Recto na miyembro ng Liberal Party (LP) subalit kasapi ng majority coalition sa Senado.

Kung si Senador Leila de Lima naman ang tatanungin, ‘nonsense’ ang paratang kay Robredo.

Sa kanyang handwritten statement, sinabi ni De Lima na sa halip na pagbubulag-bulagan ay dapat mamulat at tanggapin ng mga alipores ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangit na katotohanan na ang administrasyong Duterte mismo ang nagbibigay­ ng malaking kasiraan at kahihiyan sa international community dahil sa kaliwa’t kanang pata­yan at iba pang paglabag sa karapatang pantao na alam na alam ng buong mundo.

“Why can’t these sycophants, both inside and outside the President’s circle, accept the ugly truth that the Duterte regime has been inflicting ignominy upon itself before the international community for the unabated summary executions and other anti-human rights po­licies. The whole world knows exactly what’s going on here,” ayon pa sa senadora.

Samantala, hindi rin naniniwala si Recto na impeachable offense ang ginamit na basehan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte.

Ayon sa senador, kung ang ginamit na basehan ni Alejano ang mga ginawa ni Duterte noong siya ay alkalde pa ng Davao City, hindi ito maituturing na ‘impeachable offense’ dahil hindi ito nangyari sa panahon sa Pangulo na ito ng bansa.

“Sa tingin ko, sa tingin ko. Katulad na rin ‘nung ibang complaint against the President noong sya’y mayor pa noon, posibleng hindi rin impeachable ‘yun. But I’ve not seen the complaint, I’m just commenting based on what I’ve read in the papers,” komento ni Recto.