Good morning po attorney,

Ano po ang dapat kung gawain ngayon ko lang po nalaman na kasal po pala kami ng dati kong kinakasama nakapasok po sa PSA (Philippine Statistics Authority) ang kasal namin na wala namang naganap na ceremony o pag-i do sa isa’t isa o pagharap sa judge o sa kung kanino man.

Puwede po ba ito ipawalang bisa sa korte ano po ang dapat gawin para po mapawalang bisa po ito ?
Maraming salamat po.

Ailyn

Ms Ailyn,

Ang pagpapakasal ng walang seremonya ay isang kasal na walang bisa dahil isa ito sa formal requirements na sinasaad ng Family Code of the Philippines.

Art. 3. The formal requisites of marriage are:

• (1) Authority of the solemnizing officer; (2) A valid marriage license except in the cases provided for in Chapter 2 of this Title; and 
(3) A marriage ceremony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age. 
Art. 4 The absence of any of the essential or formal requisites shall render the marriage void ab initio, except as stated in Article 35 (2).

ALthough mahirap kasing patunayan na walang naging seremonya lalo pa at may nakapirmang solemnizing officer or mayor sa marriage certificate ninyo, maliban lamang kung imposible na nandun kayo sa venue ng kasalan, halimbawa siya nasa abroad at ikaw lang ang nasa Pilipinas o kaya naman ay may sakit o patay na pala yung solemniizing officer at may nameke lang ng pirma niya.

In general, walang bisa ang inyong kasal ngunit dapat mo yang patunayan sa korte. Maghanap ng ibang testigo para patunayan na walang sermonya at nagpirmahan lang talaga kayo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o 85142143 o mag email at attorneyclaire@gmail.com

Mag subscribe at manood na rin po sa aking youtube channel, Atty. Claire Castro.