Mahigit isang linggo na ang operasyon ng militar laban sa Maute group sa Marawi City at ibinida ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang sibilyan ang nadadale sa isinasagawang airstrike ng tropa ng gobyerno.
“Yes (walang residenteng tinamaan ng airstrike), based on the reports that we have got, we have not had any collateral damage to that effect on lives… on property meron, pero on lives wala,” pagbibigay diin ni AFP spokesperson Restituto Padilla Jr., sa Mindanao Hour press briefing sa Malacañang kahapon.
Kumpiyansa aniya ang hukbong sandatahan na walang inosenteng buhay ang nasasakripisyo sa mga isinasagawang airstrike.
“We are confident that we have not had any collateral damage in the use of airstrike.
That is why we have continuously emphasized that the use of airstrike, precision airstrike, if I may qualify, is using graduated force commensurate to the resistance and the force that we are facing.
Kung sakaling may tinatago silang sniper nasa ibabaw ng bubong, hindi po kami nagbabagsak ng isang bomba para sirain ‘yung buong gusali. It doesn’t work that way,” ani Padilla.
“Ang ginagawa po natin ay tinitira po natin ‘yung pinanggagalingan ng resistance na ito sa pamamagitan ng angkop na lakas.
So, this could be any kind of available means to us. So, ang ginagamit natin lang ay tamang power tulad ng isang rocket o isang granada para ma-neutralize itong patuloy na nagre-resist sa ating pagpasok.
So, hindi po ganon. Judicious use at pinagiisipan po natin ang paggamit ng pwersa para nang sa gano’n wala pong nadadamay na inosenteng sibilyan.