Walang Covid-19 sa Road Warriors

Negatibo sa Covid-19 ang lahat ng players, officials at staffs, kasama ng kani-kanilang immediate families, ng NLEX Road Warriors.

Huwebes nang sumailalim sa test ang buong team sa Balintawak Compound ng NLEX sa QC.

“All NLEX Road Warriors players, coaches ang staff, including utilities and ballboys tested negative for the virus,” bahagi ng statement ng team.

Parte ito ng protocol na inilatag ng PBA Commissioner’s Office at inaprubahan ng Board, kailangang magpa-test ang lahat ng players ng 12 teams bago makapag-ensayo.

“No-test, no-practice,” giit ni commissioner Willie Marcial.

Isinumite ng PBA sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang guidelines na susundin ng liga kapag pinayagan nang mag-ensayo sa gyms.

Pangalawa sa tatlong teams ng Manny V. Pangilinan group ang NLEX na sumailalim sa Covid test, una ang Meralco Bolts noong Lunes. Sa susunod na lingo ang TNT KaTropa naman ang ite-test. (Vladi Eduarte)