Walang crack sa House leadership

Itinanggi ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na nagkaroon na ng bitak sa kanyang liderato dahil sa kanyang polisya na tanggalan ng posisyon ang mga miyembro ng supermajority na hindi sumunod sa kagustuhan ng administration na pagtiba­yin ang death penalty bill.

Ginawa Alvarez ang nasabing pahayag matapos ilutang ni Albay Rep. Edcel Lagman na mayroon ng ‘crack’ sa kanyang lide­rato matapos ang botohan sa death penalty bill noong nakaraang linggo.

“Baka ‘yung ulo niya (Lagman) ang may crack,” ani Alvarez sa ambush interview kahapon.

Si Lagman ­kasama ang kanyang anim na kasamahan sa Legitimate minority sa Kamara ay nangungunang kritiko ni Alvarez at nanguna sa kampanya laban sa pa­nukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

“Lahat naman ino-oppose niya eh, kaya may crack na siguro ang …” dagdag pa ni Alvarez.

Sa nasabing botohan, 217 ang sumuporta sa nasabing panukala kaya nailusot ito dahil 54 congressmen lamang ang kumontra habang isa ang nag-abstain o hindi bumoto.