Walang James ­Harden, pero kaya palang talunin ng Houston Rockets ang Golden State Warriors.

Take charge sina Eric Gordon at Chris Paul at hiniya ng Rockets ang dinayong Warriors, 118-112, Sabado ng gabi.
Ibinaon ni Paul ang insurance free throws at rumampa sa panalo ang Rockets.

Nanindak ang Warriors, 114-108, sa dala­wang 3s ni Stephen Curry, sa dalawang free throws pa niya ay lumapit sa apat bago kumalas ang Houston sa stripe.

Namuno sa Warriors ang 29 points ni Kevin Durant, may 25 si Stephen Curry na may limang 3s. Nagpasok ng limang 3s si Curry, may palamuti pang 9 rebounds at 7 assists.

Nalagasan pa ang Warriors bago natapos ang laro.

Napaaga ang labas ni Draymond Green nang abutin ng left ankle sprain.

Natapakan ni Green ang paa ng teammate na si DeMarcus Cousins at natapilok.

Pinamigay ni Paul ang 11 sa kanyang 17 assists sa first half para makumpleto ang 9,000 assists ng career.
Kinamada ni Cousins ang pangatlong sunod na double-double na 13 points at 14 rebounds sa Warriors.
Nagdagdag si Klay Thompson ng 30 points at 6 assists.