Nakakalungkot ang isang insidente ng karahasan kung saan ay isang itinuturing na sangkot sa iligal na droga ang napatay sa Nueva Ecija, pero ang mas masaklap ay nadamay ang sampung taong gulang nitong anak sa nangyaring pamamaril.

Hindi kilala ang salarin ng mag-amang Dominador Tejo Fontanilla alyas ‘Pidot’, 50-anyos, biyudo, na kung minsan umano ay ahente ng lupa at anak na si John Mark Obedoza Fontanilla, 10-taong gulang.

Binistay ng bala ang target na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga na ikinadamay ng kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa Purok Maligaya, Brgy. District 4 sa bayang ito ng dalawang armadong lalaki at pinagbabaril ito.

Mabilis na tumakas ang mga salarin at nang marespondehan ng mga kaanak ang biyudo ay wala na itong buhay gayundin ang batang anak nito kaya’t agarang dinala sa Guimba District Hospital pero hindi na umabot pang buhay.

Ang matandang Fontanilla ay nasa drug watch list ng pulisya at umano’y kaanib sa mapanganib na Quinto robbery-holdup/gun-for-hire criminal group.

Malinaw na sangkot sa iba’t ibang krimen ang napatay pero para sa amin hindi ito rason para kitilin ang buhay nito at idamay pa ang paslit nitong anak.

Isa lamang ito sa maraming kaso ng may nadadamay na mga inosente sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Pero sa kasong ito, hindi mga awtoridad ang nasa likod ng krimen dahil hindi unipormado ng pulis ang mga suspek bukod pa sa walang drug-bust o pag-arestong nangyari kundi sinalakay na lamang ng mga salarin ang puntiryang drug suspect.

Kaya mahirap manisi ng mga awtoridad dahil hindi sila maaaring dikdikin sa pangyayaring ito. Kanya nga lamang sana ay hindi na ito maulit dahil kaawa-awa naman ang mga inosenteng nadadamay sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Sa ganitong kaso, anong proteksyon ang ibibigay ng pamahalaan? Paano na ang batang napatay na wala namang kasalanan pero idinamay lamang ng mga taong naghahasik ng lagim at ginagamit ang kampanya ng pamahalaan upang maisakatuparan ang kanilang maiitim na balak?

4 Responses

  1. KASO SUSPECT PALANG…CHINUCHUGI NG NG MGA KAPULISAN..REMEMBER ANG BUHAY AY ISANG SAGRADONG PINAG KALOOB SA TIN NG DYOS..KAHIT GANU PA KASAMA PA YAN…PUEDE NAMAN ARESTUHIN ?PERO ANG PUMATAY NG WALANG DAHILAN AT KASALANAN AY NAPAKA LAKING KASALANAN SA MATA NG DYOS!GETZZZ….NYO?