Kung si Senador Panfilo Lacson ang tatanu­ngin, wala siyang nakitang iregularidad sa ginawang pagsalakay ng mga awtoridad sa pamamahay ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog na ikinasawi nito at ng kanyang misis at iba pa.

Paliwanag ni Lacson, dating PNP chief, hindi maaaring maikumpara ang kaso ni Parojinog sa kaso naman ni Albuera Mayor Rolando Espinosa dahil malinaw namang police operation ang ginawang raid sa bahay ni Parojinog habang ang kaso naman ni Espinosa ay naroon ito sa loob ng detention.

“I don’t see any reason kung bakit mag-investigate ang Senate, dahil it was a police operation. Unlike ‘yung sa Albuera case na naroon under ­detention in a government facility, ito hindi,” ayon kay Lacson.

Maliban na lamang umano kung sa mga susunod na araw ay makikita at lilitaw na may mga senyales na nagkaroon ng summary execution na dapat ­lamang ay imbestigahan ng Senado.

Hindi rin umano maituturing na iregularidad ang pagsilbi ng search warrant ng madaling-araw dahil ang search warrant ay maaari namang isilbi anumang oras.

Gayunpaman, sa sinasabing pagpatay ng CCTV, dagdag ni Lacson na kailangan pa niyang alamin kung ito ay may katotohanan.

7 Responses

  1. Dapat Lacson ay gumawa ka ng bill na ipadala itong grupo ni Marcos at iton Grupo ni Jovie sa Marawi. ABA.. ang gagaling eh. wala ni isan man lang nasugatan at napatay pa nila ay 15 na tao na may armas daw daw daw. Pati ang asawa ng Mayor ay may ARMAS. Come On Lacson… Isip isip muna bago mag salita at di iyu SIP SIP agad.

      1. Ikaw yata ang wala ng isip eh.. ha ha ha .. Kaya nga sinabi ko na doon sila ilagay sa marawi para wala ng mag buwis ng buhay sa matitinong sundalo at pulis. duh.. magagaling ang mga grupo at wala nga nasaktan dahil wala naman nag paputok sa sa kalaban. ha ha isip sip ka rin at di porke ma maka DUTAE ka ay di mo na nakikita ang mali. ha ha nahahalata na di mo ginagamit ang isip mo eh.

        Pati ang Mrs ng mayor may baril daw ha ha nakipag barilan sa magagaling na pulis . Gamitin mo muna ang pag iisip mo bago ka mag comments.

  2. Walang iregularigad kaagad ang hatol ni sa pula sa sa puti..Namaril ng walang habas,inisip mo kaya na may hawak ding armas si Mrs.Parojinog, di mo pa rin pala sigurado kung pinatay at kinuha ang CCTV pero may hatol ka na kaagad na walang iregularidad..sipsip ka talaga Pinky dahil umaasa kang ikaw ang i endorso ni Digong sa next Presidential election.

  3. Sen Lacson, ang dapat sigurong pagtuunan mo ng pansin ay yung kasama sa mga ni raid na nagpataypatayan at ngayon ay nagsalita na. Ayon sa kanyang pahayag, pinatay sila ng walang laban. Huwag masyadong apurado sa pagpapahayag na walang iregularidad sa ginawang raid. Walang dahilan para magsinungaling yung nakaligtas dahil patay na yung mga amo niya.