ISANG madamdaming mensahe ang inihayag ni Barangay Ginebra coach Tim Cone para sa mga heatlh worker, militar, kapulisan at iba pang frontliner na lumalaban sa coronavirus.
“We just want to say thanks to all our frontliners, though no amount could equal for your efforts to take care of all. We know you’re doing it with your all heart despite the risks of your own lives, but still you do it for us. Thank you very much and we really appreciate you all for that,” sabi ni Cone.
Isa-isa ring nagbigay ng kanilang pahayag para sa mga frontliner sina Melcah Jean Caballero, jiujitsu artist na si Meggie Ochoa, fencer Maxine Esteban, pro boxer Mark ‘Magnifico’ Magsayo, Rain or Shine player Rey Nambatac, boxer Nesthy Petecio at Magnolia Hotshot Mark Barroca.
“Nagpapasalamat po kami sa inyong lahat na mga frontliners sa inyong napakalaking sakripisyo na hindi lamang ang mga sarili ninyong pamilya ang inyong inililigtas kundi binubuhay din ninyo kami. Bilang aming tulong ay nakahanda po kami na manatili na lamang sa aming bahay hanggang sa matapos ang krisis na ito,” sabi ni Barroca. (Lito Oredo)